1. Heto na si Kaka,bubuka bukakaSAGOT: GUNTING
2. May balbas ngunit walang mukha.
SAGOT: MAIS
3. Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salwal.
SAGOT: MANOK
4. Hinila ko amg baging, sumigaw ang matsing.
SAGOT: KAMPANA
5. Dalawang butong itim, malayo ang nararating.
SAGOT: MATA
6. Isang Prinsesa nakaupo sa tasa
SAGOT: KASOY
7. Nakayuko ang reyna, hindi nalalaglag ang korona.
SAGOT: BAYABAS
8. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
SAGOT: POSPORO
9. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
SAGOT: DAMIT o KAMISETA
10. Mataas kung nakaupo,mas mababa kung nakatayo.
SAGOT: ASO
11. Matanda na ang Nano, hindi parin naliligo.
SAGOT: ASO
12. Maliit pa si Nene,nakakaakyat na sa tore.
SAGOT: LANGGAM
13. Heto na si bayaw,dala-dala'y ilaw
SAGOT: ALITAPTAP
14. Kay lapit -lapit na sa mata, hindi mo parin makita.
SAGOT: TAINGA
15. Ako ay may kaibigan,kasama ko kahit saan.
SAGOT: ANINO
16. Heto na ang magkapatid, nag uunahang pumanhik
SAGOT: PAA
17. Nagbibigay na, sinasakal pa.
SAGOT: BOTE
18. Buto't balat lumilipad.
SAGOT: SARANGGOLA
19. Dala mo,dala ka, dala ka ng iyang dala.
SAGOT: SAPATOS
20. Limang magkakapatid, iisa ang dibdib
SAGOT: KAMAY
21. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
SAGOT: PAYONG
22. May kamay walang paa,may mukha walang mata.
SAGOT: ORASAN
23.Bumili ako ng Alipin mas mataas pa sa akin.
SAGOT: SUMBRERO
24. Kubg kailan mo pinatay,saka humaba ang buhay.
SAGOT: KANDILA
25. May paa walang baywang, may likod walang tiyan.
SAGOT: SILYA