Ang pambansang sagisag ng Pilipinas ay sagisag na kumakatawan sa mga tradisyon at ideolohiyang Pilipino at nagpapahiwatig ng mga prinsipyo ng soberanya at pambansang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino.
Pambansang Watawat ng Pilipinas ay ipinagtibay noong June 12, 1898 (Reaffirmed February 12, 1998)
Proklamasyon ng dating Presidente Emilio Aguinaldo (Reaffirmed by Batas Republika 8491)
CLICK THE PHOTO:
Ito ay may tatlong bituin at isang araw. Ito ay may mga kulay na Bughaw, Pula, Puti at dilaw.
Ang bituin o tatla na may limang sulok na matatagpuan sa bawat isang dulo ng tatsulok ay kumakatawan sa tatlong isla o kapuluan ng Pilipinas kung saan nagsimula ang himagsika ito ay ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang araw sa watawat ng Pilipinas ay may walong sinag na kumakatawan sa mga lalawigang may mahalagang pagkakalahok sa 1896 Himagsikang Pilipino laban sa Espana. Ang mga lalawigang ito ay ang Maynila, Bulacan, Cavite. Pampanga, Bataan. Laguna, Batangas at Nueva Ecija.
Kasaysayan:
Sina Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at Delfina Herbosa de Natividad na pamangkin ni Dr. Jose Rizal ang unang nagtahi ng watawat ng Pilipinas sa Hongkong.