Translate

Search This Blog

Thursday, May 19, 2022

PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS "LUPANG HINIRANG"

LUPANG HINIRANG- sa ingles ay Chosen Land. Sa panahon ng Espanyol ito ay kilala sa pamagat na MARCHA NACIONAL FILIPINA (Phillipine National March) o mas kilala sa tawag na BAYANG MAGILIW ("Beloved Country").

Kompositor (COMPOSER): Julian Felipe taong 1898

Kinomisyon ang Lupang Hinirang noong June 5, 1898 ni Emilio Aguinaldo bilang pinuno ng Dictatorial Government of the Philippines, para sa isang seremonyal at martsang instrumental na walang liriko.

Liriko (LYRICS): Jose Palma 1899 (ito ay pinagtibay sa tula na "Filipinas")

Ito ay unang kinanta sa publiko noong Proclamation of Independence Day sa Aguinaldo Residence sa Kawit, Cavite June 12, 1898.


Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan.
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka nang magiting.
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw.
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y,
Tagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo.

Aming ligaya na 'pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

PAMBANSANG DAHON NG PILIPINAS

 ANAHAW (luyong)

Ang scientific name ay Saribus rotundifolius (formerly Livistona rotundifolia). Ito ay umaabot sa taas na 15-27 metro at 25 sentimetro ang lapad.


CLICK THE PHOTO:


Ang anahaw ay pinagkukunan ng matigas na kahoy na katulad ng ebony. Ginagamit ang kahoy nito sa paggawa ng mga tungkod at mga pantira ng mga pana.




Ito ay tumutubo sa mga sub-tropikal na mga klima o mamasa-masang tropikal na lugar sa Pilipinas.


Ang dahon ng anahaw ay ginagamit sa kugon at pambalot ng pagkain.


Ito ay hindi pa opisyal na pambansang dahon ng Pilipinas. Ngunit ito ay isinusulong upang mapagtibay sa Saligang Batas ng Pilipinas bilang pambansang dahon ng Pilipinas.

PAMBANSANG LARO SA PILIPINAS (PAMBANSANG SAGISAG NG PILIPINAS)

 ARNIS (ESKRIMA/KALI)

December 11,2009 ipinagtibay na pambansang laro ang Arnis.

Ito ay mababatay sa batas Republika bilang 9850.

Ito ay isang sining pandigma bilang pagtatanggol sa sarili, paligsahan, pisikal na kalusugan, angkop na pangangatawan, libangan, ganun din sa pangkaisipang pisikal at pang ispiritwal na pagpapaunlad.





CLICK THE PHOTO:





Ang arnis ay isang sistema ng sining marsyal na nagmula sa Pilipinas.

Ito ay itinuturo sa pampublikong paaralan bilang parte ng kurikulum na Edukasyong Pampalakasan.




Wednesday, May 18, 2022

PAMBANSANG IBON NG PILIPINAS "HARIBON" (PAMBANSANG SAGISAG NG PILIPINAS)

Philippine Eagle - ang HARIBON na may scientific name Pithecophaga Jefferyi ipinagtbay noong July 4, 1995 ayon sa Proclamation No. 615. Isa sa malaking agila sa mga gubat ng Luzon, Samar, Leyte, Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN.

Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng mga ninuno ng Pilipino.


CLICK THE PHOTO:

Ang haribon ay may haba o taas na 1 metro at tumitimbang ng mula apat (4) hanggang pito (7) kilo. mas malaki ang babaeng haribon kaysa sa lalaki. Ang pakpak ay may 2 metro o higit pa ang haba. 

Ang habribon ay kumakain ng mga malalaking ahas, malalaking kalaw, bayawak o monitor lizard, kaguang o flying lemur at unggoy.





PAMBANSANG WATAWAT NG PILIPINAS (PAMBANSANG SAGISAG NG PILIPINAS)


Ang pambansang sagisag ng Pilipinas ay sagisag na kumakatawan sa mga tradisyon at ideolohiyang Pilipino at nagpapahiwatig ng mga prinsipyo ng soberanya at pambansang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino.

Pambansang Watawat ng Pilipinas ay ipinagtibay noong June 12, 1898 (Reaffirmed February 12, 1998)

Proklamasyon ng dating Presidente Emilio Aguinaldo (Reaffirmed by Batas Republika 8491)






CLICK THE PHOTO:





Ito ay may tatlong bituin at isang araw. Ito ay may mga kulay na Bughaw, Pula, Puti at dilaw.

Ang bituin o tatla na may limang sulok na matatagpuan sa bawat isang dulo ng tatsulok ay kumakatawan sa tatlong isla o kapuluan ng Pilipinas kung saan nagsimula ang himagsika ito ay ang Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang araw sa watawat ng Pilipinas ay may walong sinag na kumakatawan sa mga lalawigang may mahalagang pagkakalahok sa 1896 Himagsikang Pilipino laban sa Espana. Ang mga lalawigang ito ay ang Maynila, Bulacan, Cavite. Pampanga, Bataan. Laguna, Batangas at Nueva Ecija.


Kasaysayan:

Sina Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at Delfina Herbosa de Natividad na pamangkin ni Dr. Jose Rizal ang unang nagtahi ng watawat ng Pilipinas sa Hongkong.