Si Dindo ay mayroong alagang daga.
Ang pangalan ay Dodi.
Puti ang balahibo ni Dodi at ito ay may mahabang buntot.
May dalawang maliit na tainga si Dodi.
Mahilig kumain ng keso at damo si Dodi.
Natutuwa si Dindo dahil malakas kumain ang alaga niya.
Mahal na mahal ni Dindo ang alaga niya na daga.
1. Sino ang may
alagang daga? __________________
2. Ano ang alaga ni
Dindo? _______________________
3. Ano ang kulay ng
balahibo nito? _______________
4. Ilan ang tainga ni
Dodi? ________________________
5. Ano ang hilig
nitong kainin? ____________________