PANGHALIP PANANONG
Mula sa salitang “tanong”, kaya’t may pakahulugang
“pantanong”, sa inlges ito ay INTERROGATIVE PRONOUN.
Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong
ang mga salitang: ANO, ANU-ANO, SINO, SINO-SINO,
ALIN, SAAN, KAILAN, KANINO
Ang panghalip pananong o interrogative pronoun sa
wikang ingles ay isang uri ng panghalip na ginagamit
sa pagtatanong o pagsusuri ng impormasyon tungkol
sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. Karaniwan,
ito ay tumutukoy sa mga salitang tanong tulad ng
SINO, ANO, ALIN, KANINO, SAAN, KAILAN.
ANO: Tumutukoy sa isang bagay o konsepto.
HALIMBAWA:
Ano ang ginagawa mo?
Anong oras ka kakain?
Ano ang paborito mong ulam?
Ano ang kinakanta mo?
Anong araw ang pasok mo?

\
ALIN: Ginagamit upang pumili sa pagitan ng bagay o tao.
HALIMBAWA:
Alin ang mas makinis, kamatis o durian?
Alin sa dalawa ang susuotin mong sapatos?
Alin ang bibilhin mo mangga o mansanas?
Alin ang sasakyan mo, bus o kotse?
KANINO: Tumutukoy sa pag-aari ng isang bagay.
HALIMBAWA:
Kaninong payong ito?
Kaninong damit ito?
Kaninong salapi ito?
Kanino ikakasal si Eba?
Kanino mapupunta ang bulaklak na ito?

SAAN: tumutukoy sa isang lugar.
HALIMBAWA:
Saan ka pupunta?
Saan kayo magbabakasyon?
Saan ka nag-aaral?
Saan ka magtatrabaho?
Saan kayo nakatira?
KAILAN: tumutukoy sa oras at petsa.
HALIMBAWA:
Kailan ang kasal ni Josh at Sally?
Kailan ang iyong kaarawan?
Kailan ang iyong araw ng pagtatapos?
Kailan kayo magbabakasyon sa Palawan?
Kailan mag sisimula ang palabas?
ISAHAN: tungkol sa isang tao o bagay lamang.
Halimbawa: Ano, Sino, Alin, Ilan, Magkano, at kanino.
MARAMIHAN: tungkol sa dalawa o higit pang mga tao o bagay.
Halimbawa: Anu-ano, Sinu-sino, Alin-alin, Ilan-ilan,
Magka-magkano, Saan-saan, Kani-kanino.
ISAHAN AT MARAMIHAN
Panghalip Pananong na Isahan
Ito ay ang mga panghalip na ginagamit upang itanong
ang impormasyon tungkol sa isang tao o bagay lamang.
Ang mga halimbawa ng salitang pananong sa isahan ay
ang ano, sino, alin, ilan, magkano, at kanino.
Panghalip Pananong na Maramihan
Ito naman ay ang mga panghalip na ginagamit upang itanong
ang impormasyon tungkol sa dalawa o higit pang mga tao o
bagay. Ang mga halimbawa nito sa maramihan ay ang anu-ano,
sinu-sino, alin-alin, ilan-ilan, saan-saan, magka-magkano,
at kani-kanino.
HALIMBAWA NG PANGHALIP PANANONG- ISAHAN:
Saan ka pupunta?
Ano ang bibilhin mong telebisyon?
Alin ang paborito mong kulay, puti o pula?
Magkano ang isang manok?
Kanino ka magpapaayos ng buhok?
Ilan ang binili mong prutas?
Saan kayo magbabaksyon?
Anong oras ang iyong klase?
HALIMBAWA NG PANGHALIP PANANONG- MARAMIHAN:
Sino-sino ang kasama mo bukas papuntang Maynila?
Anu-ano ang paborito mong pagkain?
Saan-saan kayo nagpunta noong mahal na araw?
Alin-alin sa mga damit na ito ang dadalhin mo?
Kani-kanino galing ang mga sulat na ito?
Magka-magkano ba ang mga tinitinda mo?
Ilan-ilan ba ang iyong damit sa aparador?
Sino-sino ang sasayaw sa entablado?
IBA PANG HALIMBAWA NG
PANGHALIP PANANONG:
Ano ang pinapanood mo?
Ilan ang nabili mong kendi?
Kailan mag uumpisa ang pasukan?
Magkano ang presyo ng mansanas?
Saan ka pupunta?
Anong putahe ang lulutuin mo?
Kailan ka pupunta ng Japan?
Sino-sino ang sasali sa palarong pambansa?
Kani-kanino mo ipapamahagi ang mga laruan?
Saan-saan kayo pupunta ngayong pasko?
Magka-magkano kaya ang tinitinda nyang damit?
Ilan-ilan na ang nabigyan ng ayuda?