Translate

Search This Blog

Showing posts with label FILIPINO SHORT STORY. Show all posts
Showing posts with label FILIPINO SHORT STORY. Show all posts

Sunday, August 7, 2022

ANG KAARAWAN NI KAKA (PRACTICE READING IN FILIPINO) FREE PRINTABLE

 

Araw ng Martes, ika-apat ng Abril.

Mayroong gaganapin na salu-salo dahil ika-sampung kaarawan ni Kaka.

Abala ang lahat sa pag-aayos ng kanyang handa.

May palabok, pansit, puto, ube, ispageti, sorbetes, keyk, at maraming lobo.

Sabay-sabay silang kumanta at binati si Kaka.

“Maligayang kaarawan Kaka”.

Binigyan ng regalo si Kaka ng kanyang Tatay at Nanay.

Masaya ang lahat para kay Kaka.

 

  1. Sino ang may kaarawan? ______________________
  1. Kailan ang kaarawan ni Kaka? __________________
  1. Ilang taon na si Kaka?___________________________

4. Ano-ano ang handa ni Kaka? ______________________

  1. Sino ang nagbigay ng regalo kay Kaka? ____________

 

CLICK THE PICTURE FOR A CLEAR COPY, SAVE AND PRINT!


 

ANG YOYO NI YURI (PRACTICE READING IN FILIPINO) FREE PRINTABLE

 

Si Yuri ay mag bagong laruan,ito ay yoyo.

Binili ito ng kanyang tito Siso.


Ang yoyo ni Yuri ay kulay Bughaw.

“Maraming Salamat Lolo Siso,” wika ni Yuri.

Inaya ni Yuri si Yayo na maglaro ng yoyo.

Masayang naglaro ng yoyo ang dalawa.


  1. Sino ang may bagong yoyo? ___________________
  1. Sino ang nagbigay ng yoyo? ____________________
  1. Ano ang kulay ng yoyo ni Yuri?___________________

4.  Sino ang kalaro ni Yuri? __________________________


CLICK THE PICTURE FOR A CLEAR COPY! SAVE AND PRINT!

 

Wednesday, July 27, 2022

ANG DAGA NI DINDO (PRACTICE READING IN FILIPINO) FREE PRINTABLE

 

Si Dindo ay mayroong alagang daga.

Ang pangalan ay Dodi.

Puti ang balahibo ni Dodi at ito ay may mahabang buntot.

May dalawang maliit na tainga si Dodi.

Mahilig kumain ng keso at damo si Dodi.

Natutuwa si Dindo dahil malakas kumain ang alaga niya.

Mahal na mahal ni Dindo ang alaga niya na daga.


1.  Sino ang may alagang daga? __________________

2.  Ano ang alaga ni Dindo? _______________________

3.  Ano ang kulay ng balahibo nito? _______________

4.  Ilan ang tainga ni Dodi? ________________________

5.  Ano ang hilig nitong kainin? ____________________

 

CLICK THE PICTURE FOR A CLEAR COPY





 

ANG LOBO NI LODI (PRACTICE READING IN FILIPINO) FREE PRINTABLE

 

Si Lodi ay may lobo.

Lima ang lobo niya.

Iba-iba ang kulay ng lobo ni Lodi.

May pula, bughaw, dilaw, berde at lila.

Bigay ito ng kanyang lolo Lido at lola Lita.

Biglang umihip ang malakas na hangin,

tinangay ng hangin ang mga lobo ni Lodi,

“Tahan na apo”, wika ni lolo Lido.

“Bibili muli kami ni lola Lita ng limang lobo”.

 

1. Sino ang may lobo? ___________________________

2.  Ilan ang lobo ni Lodi? ___________________________

3.  Anu-ano ang kulay ng lobo ni Lodi? _____________

4.  Sino ang nagbigay ng lobo kay Lodi? ____________

5.  Ano ang nangyari sa lobo ni Lodi? _______________

 

CLICK THE PICTURE FOR A CLEAR COPY


ANG PALAKA SA SAPA (PRACTICE READING IN FILIPINO) FREE PRINTABLE

 

Ang palaka sa sapa kung humuni ay malakas.

Kokak! Kokak! Kokak! Huni nitong wagas.

Isang araw si Pipo ay gumawi sa sapa

upang humuli ng mga palaka.

Mga palaka doon kaniyang nabulabog.

Mabilis naglundagan sa sapa at sa tubig ay lumubog.

Kawawang si Pipo, umuwing lulugo-lugo.


1.  Ano ang nasa sapa? _______________________

2.  Ano ang huni ng palaka? ___________________

3.  Sino ang gumawi sa sapa? ________________

4.  Ano ang ginawa ng mga palaka? ___________

5.  May nahuli ba si Pipo? ______________________


CLICK THE PICTURE FOR A CLEAR COPY