TAMBALANG SALITA-
GANAP NA TAMBALAN- dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo ng pabibagong kahulugan.
HALIMBAWA: BAHAGHARI
BAHAG- takip sa mahalagang bahagi ng katawan
HARI- makapangyarihang pinuno ng isang lupain
BAHAGHARI- arko ng mga kulay na namamalas sa kalangitan
HALIMBAWA: DALAGANGBUKID
DALAGA- babae na wala pang asawa
BUKID- taniman o sakahan
DALAGANG BUKID- uri ng isda
IBA PANG HALIMBAWA:
1. KAPITBISIG- nagkakaisa at nagtututlungan
2. MATANG BAKA- uri ng isda
3. BUTO'T BALAT- payat
4. MATANGLAWIN- matalas ang paningin
5. BALAT SIBUYAS- iyakin, maramdamin
DI GANAP NA TAMBALAN- ang bawat salita na may taglay na kahulugan kapag pinagtambal ay hindi nawawala. Ito ay ginagamitan ng GITLING -
HALIMBAWA: BAHAY-AMPUNAN
BAHAY- tahanan o tirahan
AMPUNAN- asilo o tirahan ng mga ulila
BAHAY-AMPUNAN- tahanan ng mga ulila
HALIMBAWA: ASAL-HAYOP
ASAL- kilos, ugali, gawi
HAYOP- isang pangunahing grupo ng mga organismo sa buong mundo
ASAL-HAYOP-kilos,ugali o gawi ng parang hayop
IBA PANG HALIMBAWA:
1. PUNONG-KAHOY- sanga
2. BALIK ARAL- muling pag-aaral sa dating paaralan
3. BALIK-ESKWELA- pagbabalik sa paaralan o eskwela
4. SILID-ARALAN- loob ng paaralan
5. TUBIG-ALAT- maalat na tubig o dagat
6. TAONG-GUBAT- nakatira sa gubat
7. BALIKBAYAN- babalik sa lugar na pinanggalingan
8. BAHAY KUBO- tahanan o tirahan na gawa na nipa