Translate

Search This Blog

Showing posts with label kwentong alpabeto. Show all posts
Showing posts with label kwentong alpabeto. Show all posts

Sunday, June 4, 2023

“ANG BAHAY SA BARYO” @teacherzel

 Si kuya Berto ay may bahay sa Baryo. 

Ang bahay ay may katabing buko. 

May bubuyog sa ilalim ng buko.

 Pagpasok naming sa bahay may hawak 

na bola ang batang si Badong.

 Si kuya Berto ay may bote at baso sa kanyang lamesa.

 Ang ganda ng mga bulaklak sa balkonahe ni Kuya Berto. 

Si Ate Berna ay nakaupo at nagbabasa ng Bibliya. 

Tuwing gabi sa Baryo ay makikita 

sa bintana ang maliwanag na buwan.




“ANG ATE KONG SI ALMA” @teacherzel

 Si ate Alma ay masipag.

 Araw-araw siyang nagwawalis sa aming tahanan. 

Nagtatanim rin siya sa aming bakuran. 

Ang paborito niyang gulay na ampalaya ang laging dinidiligan. 

Kapag maaraw, siya ay naglalaba at naglalako ng ampalaya sa kapitbahay. 

Masaya si ate Alma dahil malalaki ang kanyang ampalaya. 

Ito ay may bulaklak at makapal na mga dahon. 

Isang araw pumitas ng ampalaya si ate Alma at ito ay kanyang iginisa. 

Ang sarap ng kanyang ampalaya. May kaunting pait ngunit malinamnam. 

Ngayon ay paborito ko na ang ampalaya.